Robin’s daughters ready to join showbiz
Tila nasa dugo na ng action star na si Robin Padilla ang talentong umarte para sa mga matitinding bakbakan.
At wari’y namana ito ng kanyang dalawang anak na sina Quennie at Kylie.
Matapos lumabas si Kylie sa breath-taking action series na Joaquin Bordado, susunod naman daw ang panganay na si Quennie upang ipakita ang talento at husay niya sa pagsabak sa matitinding bakbakan.
Nais yatang sundan ng dalawa ang yapak ng ama sa action-fantasy genre ng telebisyon.
Sa katunayan, naghahanda na si Quennie para sa bagong proyekto ng kayang ama sa GMA Network, ang Totoy Bato."
Ayon sa report ng Showbiz Central, handa na raw si Quennie sumabak sa showbiz. Sa katunayan, sa Australia palang ay pumasok siya sa acting school.
"Pareho sila pagdating sa mga ganong exposure. Mas marami lang acting schools na pinasukan si Quennie. Kasi sa Australia palang ay nag aacting school na siya eh," ani Robin.
Ito raw ay dahil mas matanda si Quennie kaya’t mas malawak ang experience niya.
Sabi ni Robin na puspusan na daw ang pag-eensayo ni Quennie. Sa katunayan, graduate rin daw siya ng mga workshop.
Hindi maiiwasan mai-kompara ang acting talent ng dalawang dalaga. Ngunit si Robin ay mabilis na itinanggi ang posibleng showbiz-sibling rivalry.
"Pareho sila Kylie. Pareho silang nag-train. Pareho silang nag-blackbelt. Magkaiba lang sila ng style ni Kylie. Si Kylie kasi ay fancy eh. Ayaw naman ni Queenie noon. Si Quennie kasi gusto reality."
Ngunit hindi lang daw action ang napupusuan ni Queenie. Nais din daw niyang gumawa ng mga proyekto na makabansa.
Naligayahan naman ang ama dito.
Ngunit hindi lang si Quennie at Kylie ang busy sa paghahanda. Busy rin si Robin sa maagang pag-eensayo para sa title role niyang unang ginampanan ni action-king Fernando Poe, Jr.
"Malaki ang hinihinging preperasyon na ng Totoy Bato. Hindi kasi to proyektong kanin lang. Galing kasi ito kay FPJ. Dapat kung ano yung binigay namin respeto sa Joaquin Bordado ganon din yung ibigay namin na respeto sa Totoy Bato. Classic ‘to kapatid!"
Ayon pa kay Robin, ipinapangako raw niyang napakaganda nitong bago niyang proyekto. Dapat itong abangan ng publiko.
Dagdag pa niyang mapapahanga nito ang mga tao
"Yung una kasing Totoy Bato, boksing yun eh. Eto kasi mixed martial arts. Yung makakalaban ko dito iba-ibang nation."

